DSWD Educational Assistance | Elementary, High School & College

There is an ongoing call for application of the DSWD Educational Assistance Program. Here are the things you need to know in order to avail the said program.

 

Muling magbibigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng tulong pinansiyal sa mga kwalipikadong mag-aaral ngayong taon.

Who can receive the DSWD Financial Assistance?

Batay sa anunsiyong nakapaskil sa punong tanggapan ng ahensiya sa IBP Road sa Batasan, Lungsod Quezon kwalipikado sa tulong pinansiyal ang mga working students, mag-aaral ng mga vocational at technological school gayundin ng mga State Colleges and Universities (SUC). Maaari ring tumanggap ng Educational Assistance (EA) ang mga pamilyang biktima ng displacement o relokasyon, repatriated o napauwi mula ibang bansa at deportees na Overseas Filipino (OFs).

 

Requirements

Kabilang sa mga requirements na isusumite ang valid ID ng aplikante kasama ang Enrolment o Assessment Form o di kaya Certificate of Enrolment o Registration. Kailangan din ng validated school ID ng estudyante at kung kolehiyo kailangan ng Statement of Account. Panghuli kailangang kumuha ng maglalakad ng EA ng Certificate of Indigency o Residency mula sa kinabibilangang barangay.

How to Apply

Ilalagay lahat ng requirements sa isang A4 na brown envelope. Photocopy o xerox ng ID ng estudyante at magulang, Enrolment Assessment Form, Certificate of Enrolment / Registration ang ilalagay sa envelope pero kailangan itong matatakan ng Certified True Copy. Isumite bago ang nakatakdang deadline sa DSWD. Huwag kalimutang dalhin ang mga orihinal na ID at dokumento upang masuri ng kawani ng ahensiya. Matapos isumite, tiyaking mabibigyan ng serial o assigned number.

Benefits of DSWD Educational Assistance

Ayon sa ilang magulang na nag-inquire, P1,500 ang tatanggapin ng nasa Elementarya, P2,000 sa High School habang P3,500 naman sa kolehiyo.

 

Ang larawang ito ay kuha sa DSWD, Central Office, Batasan, Quezon City. Kung kayo ay malayo sa nasabing lugar subukan nyo pong mag magtungo o tumawag sa malapit na tanggapan ng DSWD. Itanong kung mayroon din silang Education Assistance Program.